Unang linggo ng celebrasyon ng Buwan ng Wika, handog ng Sulu State College Komisyon sa Wikang Filipino na pinangungunahan ni Dr. Alnadzma Tulawie. Maligayang pagdiriwang ng Buwan ng Wika!

ANG SENTRONG KOMISYON NG WIKANG FILIPINO NG SULU (SKWF-S) AT ESTADONG KOLEHIYO NG SULU (SSC) AY Magkatuwang ipinagdaraos ang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa taon taon.Naging kahiligan at kasanayan nang kolehiyo ang pagsusuot ng katutubong kasuotan ng mga empleyado nito tuwing miyerkules sa buwang ng Agosto bilang pagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang pambansa, katutubong wika at maging ang katutubong kasuotan.

Ang ideya ay nagsimula noong limitado ang galaw o kaya ang paggugunita ng nasabing selebrasyon kadahilanan sa pandemiya. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Presidente ng Estadong kolehiyo ng Sulu na si Prof. Charisma Samparani Ututalum , Ed.D. CESE at ang Director sa Sentrong Komisyon ng Wikang Filipino na si Hja. Alnadzma Tulawie , Ed.D. at suportado ng mga opisyal ng kolehiyo.

Sa tuwing miyerkules sa buwang ng agosto, may mga naka eskedyul na departamento upang nagpakita at magpamalas ng kanilang katutubong kasoutan bilang patimpalak sa pinaka magandang larawan pang grupo. Ito ay huhusgahan ang kanilang kabuoang ganda at maging ang kagandahan ng lugar (Set Up) kung saan sila kukunan ng litrato. Una na nag sumite at nakunan ng litrato ang departamento ng CSITE, AS AT NURSING ayun sa naka eskedyul na panahon sakanila.Kami po sa SKWF-Sulu ay taos pusong nagpapasalamat sa Sulu State College SSC at maging sa Presidente at sa lahat ng empleyado nito sa pakikiisa at pagmamahal sa wikang filipino. Maligayang Buwang ng Wikang Pambansa 2021″ Filipino at Wikang Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”

#Pilipino

#OneSSC

#StalwartSaBuwanNgAgosto

#BuwangNgWika