Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1041, ipinahayag ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1 hanggang 31.

Ang Sulu State College ay nakikiisa sa pagdiriwang ng buwan wikang pambansa nitong Agosto 14,2023 na may temang Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.

Ito ay dinalohan ng mga kawani at kagalang galang na dekano’t dekana ng ibang departamento sa estadong kolehiyo ng Sulu na pinangunahan ni Ginang Alnadzma Tulawie, direktor ng sentro ng komisyon sa wikang filipino, kabilang din sa dumalo ang mga mag-aaral, at mga bagong hinirang na huwarang konseho ng mag-aaral na lahat ay nakasuot ng katutubong kasuotan bilang pagtangkilik at pagpapakita ng makulay na kultura ng mga Pilipino.

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa!!!