

Malugod na nakikilahok ang Sulu State College sa pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika sa temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”.
Ngayong Buwan ng Agosto tayo ay magbalik tanaw at isapuso muli kung gaano kahalaga ang ating Wikang Filipino.
Sa pamumuno ng Presidente ng Sulu State College, Gng. Prof. Charisma S. Ututalum, CESE, at ng Direktor ng Sentro ng Wika, Gng. Dr. Alnadzma U. Tulawie, at ng iba pang mga opisyal mula sa SSC, ginanap ang pagsusuot ng Kimona at Barong sa ika-09 ng Agosto kasabay ng pagsasagawa ng seremonya ng bandila.