

Idinaos ng Sulu State College ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika kasabay ng pakikiisa sa anbersaryo ng ASEAN sa taong ito.
Iprinisenta ng mga guro at mga tauhan ng bawat departamento ng Sulu State College and iba’t ibang bansa na nabibilang sa ASEAN. Nagkaroon din ng patimpalak na iisang tinig, dalawahang tinig at katutubong sayaw para sa mga estudyante. Napuno ng kasiyahan ang loob ng bulwagan sapagkat labis na nakatutuwa ang bawat presentasyon ng mga departamento.


Dinaluhan ito ng ibat ibang personaliodad sa pangunguna ng Presidente ng Kolehiyo, University Professor Charisma . Ututaum, CESE, a ng mga myembro ng lupom ng mga hukom na sina Bise Alkalde ng Jolo, Sulu, Kagalang galang na Ginoong Ezzeddin Suod Tan, Coordinator mula sa Mohammad Tulawie Central School, Ms. Wardlisa Iting, Guro mula sa Notre Dame of Jolofo College, Mr. Andrew Peñafiel at ng Chief Nurse ng Sulu Santarium Mrs. Juvelyn Tan.