

Ipinagdiwang ng Estadong Kolehiyo ng Sulu Sentro ng Komisyon sa Wikang Filipino ang Buwan ng Tertulyang Pampanitikan na may temang KULTURA NG PAGKAKAISA: Pagsisiyasat ng PAGKAKAISA sa Pamamagitan ng PANITIKAN na pinangunahan ni Direktor Asso. Prof. Alnadzma Tulawie kasama ang Kalipunang Pakultad at Filipino Klab nitong ika-27 ng Abril taong kasalukuyan sa Sentro ng Kultura at Sining ng Estadong Kolehiyo ng Sulu.
Layunin ng programa ang maghatid ng makabuluhang pagkakisa at maipahayag ang saloobin ng bawat isa gamit ang panitikan upang magbalik tanaw sa nakaraan tungo sa kasalukuyan. Nilahukan ito ng mga dekana’t dekano mga guro, manunulat, taga ganap at mag-aaral. Kalakip ng akitibidad na ito ang pagkilala sa panitikan ng Sulu, mga akda at kasaysayan. Ito ay pinagtibay ng mga ganap sa aktibidad na sinalihan ng iba’t ibang kalahok mula sa iba’t ibang departamento.
Ito ay hinatulan naman ng mga imbitado sa iba’t ibang larangan na sina Prof. Abdulhan Jannaral, Prof. Hja. Nena Paradji, Prof. Karlsharif Samad,Asst. Prof. Edwin Tantalie at Ginoong Halben Benson.
Aming taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga dumalo mga guro, hurado, kalahok at mga mag-aaral lalong lalo na sa mahal na presidente ng kolehiyo na si Prof. Charisma S. Ututalum, CESE.